(SIUS) | Political parties, pinagsusumite na ng COMELEC ng bagong listahan ng mga miyembro

Manila, Philippines – Pinagsusumite ng Commission on Elections (COMELEC) ng Sworn Information Updated Statement (SIUS) ang lahat ng mga rehistradong political party at political coalition sa bansa.

Nakasaad sa nasabing dokumento ang lahat ng mga opisyal ng partido o kwalisyon, mga halal na myembro, listahan ng lahat ng mga myembro kabilang na ang mga guest candidate.

Itinakda ng COMELEC ang deadline ng pagsusumite ng ulat sa August 31, 2018 sa Office of the Clerk of the Commission sa Intramuros, Maynila.


Nabatid na ang mga rehistradong political party at coalition ay obligado rin na magsumite ng Annual Sworn Information Statement kada August 15 ng bawat taon.

Nagbabala ang sa nasabing rekisito ay ituturing na “prima facie” o malinaw na ebidensya na ang partido o kwalisyon ay buwag na o hindi na COMELEC na ang mabibigong tumalima aktibo at magiging dahilan din para makansela ang kanilang registration.

Kaagad na magtatakda ang COMELEC En Banc ng pagdinig para sa kanselasyon ng political party na mabibigong magsumite ng nasabing requirement.

Facebook Comments