Six-game losing streak, tinapos na ng Dallas Mavericks

NBA – Tinapos na ng Dallas Mavericks ang kanilang six-game losing streak matapos talunin ang Washington Wizards.

Sa iskor na 113-99, wagi ang Mavericks sa pangunguna ni Harrison Barnes na nakagawa ng 31 points habang 22 points naman ang kay Dennis Smith Jr.

Umiskor naman ng 23-points si John Wall para sa Wizards.


Nasa 5-5 na ang kartada ng Wizards habang lubog pa rin sa kartadang 2-10 ang Mavs.

Facebook Comments