Pasok na rin sa NBA playoffs ang Philadelphia Sixers matapos na makaganti at tambakan ang Chicago Bulls sa score na, 116-91.
Sa first half pa lamang hindi na pinaporma ng Sixers ang Bulls para sa kanilang ika-49 na panalo.
Agad na rumatsada sa kanyang 16 points si Tyrese Maxey sa first half mula sa kabuuang 21 points.
Si Joel Embiid ay nag-ambag ng 12 points at hindi na naglaro sa second half dahil pa rin sa epekto ng pulikat.
Noong Martes naman ay nasilat sa double-overtime ng Bulls (34-38) ang 76ers (49-23).
Samantala liban sa Sixers, una na ring nasungkit ng top teams na Bucks at Boston ang playoff spots.
Sa ibang game, hindi umubra ang New York Knicks sa Miami Heat, 127-120.
Muling bumida sa panalo si Jimmy Butler na kumamada ng 35 puntos at siyam na rebounds.
Malaking tulong din ang ginawa ni Tyler Herro sa tinagurian nilang “must-win game” na may 14 points sa 4th quarter sa kabuuang 22 points.
Naghahabol kasi ang Heat (40-34) sa final at 6th spot sa playoffs.
Sa panig ng Knicks (42-32) inalat pa si Julius Randle na meron lamang 15 points.
Sa pagbabalik naman ng NBA star na si Ja Morant sa Memphis Grizzlies makaraan ang pagkakasuspinde, nagbuhos sya ng 17 points at 5 assists para itumba ang Houston Rockets, 130-125.
Pero nanguna sa puntos si Jaren Jackson Jr. na nagpakita ng season high na 37 points at 10 rebounds.
Sa ngayon naibulsa na ng Grizzlies ang ikalawa nilang magkasunod na titulo sa NBA Southwest Division.
Narito ang iba pang game results:
Lakers vs. Suns, 122-111
Warriors vs. Mavs, 127-125
Nuggets vs. Wizards, 118-104
Blazers vs. Jazz, 127-115
Bucks vs. Spurs, 130-94
Pacers vs. Raptors, 118-114