Aabot sa siyam (9) na mga high-ranking terrorist leaders ang na-neutralize ng Philippine Army sa unang anim na buwan ng taon.
Sa isinagawang virtual command conference ng Philippine Army, iniulat ni Army Chief Lt. Gen. Gilbert Gapay na ang 9 ay kabilang sa 124 na terrorista na napatay, at 95 ang nahuli sa 279 engkuwentro ng mga tauhan ng Philippine Army laban sa mga komunista at local terrorist groups kung saan nabawi ang 422 armas.
Kinilala ni Gapay ang isa mga napatay na terorista na si Julius Giron, ang Chairman ng Communist Party of Philippines Central Committee, na napatay sa engkuwentro sa Baguio City.
Aniya, malaking dagok sa kilusang komunista ang pagkakahuli naman kay Anne Margarette Tauli, ang secretary ng Regional White Area Committee ng Ilocos-Cordillera Regional Committee.
Ayon kay Gapay, ang pagkaka-neutralize sa mga key leader ng CPP-NPA ay nakalikha ng “leadership vacuum” na nagresulta sa pagkapilay ng kilusang komunista.
Sinabi pa ni Gapay, dahil sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, sumuko ang 1,705 terrorista bitbit ang 378 assorted firearms.
Pinuri naman ni Gapay ang kaniyang mga tauhan dahil sa ipinakita nilang accomplishments sa kampanya laban sa mga terrorist group sa kabila ng kinakaharap na hamon dulot ng COVID-19 pandemic.