Siyam katao, patay at anim ang naaresto kabilang ang isang pulis sa isinagawang operasyon ng kapulisan sa Ozamis City

Ozamis City, Philippines – Patay ang siyam na tao habang anim ang naaresto sa isinagawang operasyon ng kapulisan dahil sa sunod-sunod na shooting and robbery incident sa Ozamis City.

Ayon kay Police Regional Office 10 Spokesperson Lemuel Gonda na nagsagawa ng operasyon ang Ozamis City Police Station at Provincial Public Safety Company ng Misamis Occidental sa Brgy. Cabinti at Brgy. Balintawak sa naturang siyudad.

Nang napansin ng mga suspek ang kapulisan sa area pinaputokan ito ng mga suspek kaya gumanti ng putok ang kapulisan.


Patay sa insidente sina Francisco Manzano, Joel Espina Mira, Jerry Manzano, Romeo Libaton, Lito Manisan, Alfie Mahusay, Anjun Simene, Consorcio Rubio Sr at isang hindi pa nakilalang suspek.

Samantala, naaresto naman ang anim na sina Jonner Libatog, Laureto Ugmad, Janice Manzano, Carmelita Manzano, Monaliza Ugmad at si PO2 Diosdado Amarillo Hinoctan Jr. na umanoy miyembro ng Tangub City Police Station, Misamis Occidental.

Na-recover sa area ang iba’t-ibang klase nga armas, mga bala, shabu, pera, gintong kwentas, bracelet at singsing.
DZXL558

Facebook Comments