MANILA – Magsisimula na ngayong araw ang tinatawag na “pa-lualo” para sa dating Pangulong Ferdinand Marcos o ang siyam na araw na padasal sa mga Ilokano.Magsisimula ito sa Batac at iikot sa buong simbahan sa probinsya ng Ilocos Norte hanggang sa ika-24 ng Nobyembre.Gayunman, hanggang ngayon ay wala pang impormasyon mula sa pamilya Marcos kung kailan ang petsa ng paglilibing sa dating Pangulo sa libingan ng mga bayani.Kahapon, dumating nadin sa Laoag City ang 100 pulis mula sa regional public safety battalion.Nakataas na din ang full alert sa buong probinsya bilang paghahanda sa libing.Nagpupulong narin ang ibat-ibang ahensya tulad ng PNP, Phil. Army, Highway Patrol Group at Laoag International Airport.Ngayong araw, nakatakda ding magsagawa ng dry run ang NCRPO bilang paghahanda sa Hero’s burial.
Siyam Na Araw Na Padasal Para Sa Dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sisimulan Na
Facebook Comments