Siyam na barangay ng Tubod, dineklarang drug free ng PDEA

131

Butuan, Philippines – Idineklara  ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Caragana Drug-Free Barangays  ang Capayahan,Cawilan, Del Rosario, Marga, Motorpool, Poblacion, San Isidro, San Pablo atBrgy. Timamana bayan ng Tubod, Surigao del Norte.
  Ayon kay PDEA Caraga Regional Director GilbertBuenafe maliban sa una nang  deklarasyonng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) sa pamamagitan ng isang resolusyon,may mga proseso na pinagdaanan bago pa man dineklara ng Oversite Committee nadrug free ang naturang mga barangay kung saan nagkaroon ng signing ofcertificates kanina.
  Ito’y matapos na matiyak na walangnaitatalang kaso o wala ni isa mang residente sa naturang mga barangay angnasasangkot sa paggamit o pagbebenta ng iligal na droga.
  Bago pa man ang pormal na deklarasyon kanina nadinaluhan ni Asec. Ricardo Quinto, Deputy Director General for Operationng  PDEA nagkaroon muna ng unity  walk sa bayan.

Facebook Comments