Makakaranas ng mahaba-habang power service interruption ang siyam na bayan mula sa Western Pangasinan sa darating na ika-10 ng Disyembre taong kasalukuyan.
Inihayag ng Pangasinan 1 Electric Cooperatives o PANELCO 1, inaasahang mawawalan ng kuryente ang mga bayan ng Agno, Alaminos City, Anda, Bani, Bolinao, Burgos, Dasol, Mabini, at Infanta kung saan dakong alasais ng umaga (6AM) hanggang alas sais ng gabi (6PM) sa nasabing araw.
Layunin ng pansamantalang kawalan ng kuryente na ito ay upang isagawa ang commissioning sa mga bagong linya maging ng line maintenance sa bahagi ng Labrado-Bolinao 69kV Line.
Dahil sa mahaba-habang interruption humihingi ng dispensa ang pamunuan ng NGCP at PANELCO 1 sa publikong maaapektuhan nito.
Samantala, sakaling matapos agad ng maaga ang gagawing pagsasaayos dito ay nangako naman Ang pamunuan na agad babalik ang kuryente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments