Nabawi na ng mga awtoridad ang siyam na buwang sanggol na ibinenta ng sariling ina bilang pambayad sa utang sa e-sabong.
Nasagip kahapon ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) Human Trafficking Division ang bata matapos ang mahigit isang linggong paghahanap dito.
Matatandaang humingi ng tulong sa social media ang 22 taong gulang na ina ng sanggol upang mabawi ang kaniyang anak matapos magbago umano ang kaniyang isip.
Samantala, una nang sinabi ng Philippine National Police (PNP) na mahaharap sa mga kasong child abuse at human trafficking ang naturang ina.
Ayon pa sa PNP, posible ring sampahan ng reklamo ang bumili ng bata sa ilalim ng Anti-Child Abuse Law.
Facebook Comments