Siyam na coastal water sa Bataan, muling nagpositibo sa red tide ayon sa BFAR

Siyam na coastal waters sa lalawigan ng Bataan ang muling nagpositibo sa red tide toxin.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), kabilang sa mga karagatang ito ang Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal.

Pinapayuhan ang publiko na iwasan muna ang paghango, pagbenta at pagkain ng mga shellfish mula sa nabanggit na karagatan.


Bukod dito, nagpositibo rin sa red tide toxin ang coastal waters ng Inner Malampaya Sound sa Taytay, Palawan.

Samantala, ang iba pang karagatan na nananatili pa rin ang paralytic shellfish poison ay ang Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City sa Palawan, coastal waters ng Milagros sa Masbate, Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental.

Positibo rin sa red tìde ang coastal waters ng Daram Island, Zumarraga, Irong-irong at San Pedro Bays sa Western Samar; Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte; Matarinao Bay sa Eastern Samar; Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental; Lianga Bay at coastal waters ng Hinatuan sa Surigao del Sur.

Facebook Comments