Nakumpiska ang nasa siyam na depektibong timbangan sa isinagawang Operation Timbang ng Department of Trade and Industry Region 1 sa pamilihan ng San Juan, La Union.
Mula sa pangunguna ng DTI La Union Monitoring Team, inikot ng mga ito ang bahagi ng pamilihan upang tiyakin na ang lahat ng mga ginagamit na timbangan dito ay tama at walang pandaraya.
Umabot sa walumpu’t limang weighing scale o timbangan ang sumailalim sa monitoring ng tanggapan.
Pagtitiyak ang naturang hakbang na sumusunod ang mga establisyimento sa Fair-Trade Laws upang patuloy na maprotektahan ang karapatan ng mga konsyumer laban sa mga mandarayang pagnenegosyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments