Manila, Philippines – Kinumpirma ng ASEAN 2017 National Organizing Committee na darating sa Biyernes (April 28) ang lahat ng pinuno ng ASEAN Members.
Ayon kay director-general for operations ambassador Marciano Paynor Jr. – tiyak nang makadadalo ang lahat ng siyam na ASEAN-member states maliban kay Myanmar President Htin Kyaw pero itinalaga nito ang kanilang foreign minister na si Aung San Suu Kyi bilang delegado ng kanilang bansa.
Ayon kay Paynor – hindi talaga dumadalo si Myanmar President U Htin kyaw ng mga multilateral meetings base sa tradisyon.
Aabot sa 17 billion pesos ang inilaang pondo para 100 meetings ng ASEAN ngayong taon kabilang na ang summit sa darating na Sabado at Nobyermbre.
Naniniwala rin si Paynor na naangkop pa rin ang kilos ng Pangulo sa harap ng mga foreign dignitaries sa kabila ng pagiging palamura at prangka nito.
Dagdag pa ni Paynor – humiling na rin ng bilateral meeting kay Pangulong Duterte sina Brunei Sultan Hassanal Bolkiah at Indonesian President Joko Widodo na kapwa magsasagawa rin ng state visit sa sidelines ng ASEAN Summit.
Bukod dito, nag-request din ng bilateral meeting kay Pangulong Duterte ang mga heads of states ng Laos, Cambodia at Vietnam pero hinahanapan pa ng oras para isingit ang meeting.
DZXL558