Siyam na indibidwal na nadagdag sa bilang ng namatay dahil sa bagyong Maring, patuloy na biniberipika ng NDRRMC

Manila, Philippines – Biniberipika na ngayon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang nadagdag pang bilang ng indibidwal na nasawi sa pananalasa ng bagyong Maring.

Ayon kay NDRRMC spokesperson Romina Marasigan, umaabot na ngayon sa 14 ang naitatalang napatay, siyam dito ay kinukumpirma pa ng NDRRMC.

Paliwanag ni Marasigan, ayaw nilang magdoble-doble ang bilang ng mga namamatay dahil naglalabas din aniya ng report ang PNP, maging ang local Government Units, at Department of Health sa mga naitatalang casualties.


Nagpapatuloy naman ang assessment ng NDRRMC upang matukoy ang kabuaang pinsalang dulot ng bagyong Maring partikular sa epekto sa imprastraktura at agrikultura.

Sa inisyal nilang assessment, mahigit 23 milyong pisong halaga ang pinsalang inabot ng buong lalawigan ng Quezon dahil sa bagyo.

Facebook Comments