Siyam na indibidwal nalunod sa loob lamang ng limang araw ayon sa PNP

Siyam na indibidwal na ang naitatalang nasawi ng Philippine National Police matapos malunod at mamatay.

 

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col Bernard Banac naitala ang mga insidente ng pagkalunod sa karagatan ng San Antonio,Zambales, Bagac,Bataan, Norzagaray,Bulacan River, sa isang swimming pool sa Rodriguez,Rizal, sa karagatan ng Panglao,Bohol, isang swimming pool sa Compostela,Cebu, waterfalls sa Claveria,Misamis Oriental.

 

Maging sa isang ilog sa Binan City,Laguna at dagat sa Cantilan,Surigao del Sur.


 

Naitala ang insidente ng pagkalunod mula April 5 hanggang April 10.

 

Patuloy naman ang panawagan ng PNP na mag ingat kapag namamasyal at naliligo ngayong summer season.

Facebook Comments