Siyam na indibiwal, nasagip ng Philippine Coast Guard matapos masira ang sinasakyang motor-banca sa Tanza, Cavite

Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) Station sa Cavite ang siyam na indibidwal makaraang magkaroon ng problema ang sinasakyang motor-banca sa 5.62 nautical miles timog-silangan ng Tanza, Cavite.

Sa inisyal na report, nasira ang makina ng motor-banca na “neslyn” kung saan ilang oras din ang lumipas bago ito nasagip ng search and rescue team.

Nabatid pa na ang walong sakay ng motor-banca ay pawang miyembro ng Philippine National Police (PNP) na nakadestino sa Cavite Tourist Police Station na nakilalang sina PSSG Harry Narial, PSSG Andrei Abesamis, PSSG Ma. Suzette Bayag-o, PCPL Marry Jane Basilan, PCPL Naty Edas, PAT Nurina Asdi, PAT Laurence Palomino, PAT Glen Ibasko.


Kasama ng mga pulis ang 43-anyos na si Ramon Subay na operator ng naturang motor-banca.

Nasa maayos naman kalagayan ang mga ito kung saan nabatid na pabalik na sana sa kanilang istasyon ang mga pulis mataoos ang pagpapatrolya ng mangyari ang insidente

Facebook Comments