Siyam na Katao, Huli sa Drop Ball!

Santiago City, Isabela- Nahaharap sa Kasong Paglabag sa PD 1602 ang siyam na indibidwal kabilang na ang isang menor de edad matapos maaktuhan sa paglalaro ng “Drop Ball” alas onse kagabi sa Brgy. Victory Norte, Santiago City.

Ang mga nahuli ay kinilalang sina Lemelyn Annang, Melvin Dela Cruz, Roderick Annang, Joemar Clemente, Jay Miṅosa, Aries Almazan, Oliver, Marzon Jose at isang lalaking menor de edad na pawang mga residente ng Santiago City.

Nadakip ang mga ito matapos magsagawa ang kapulisan ng lungsod ng anti-Illigal Gambling Operation sa pangunguna nina PCI Rolando Gatan, hepe ng Santiago City Police Station 1, PCI Reynaldo Maggay, hepe ng Police Station 2 at ang City Intelligence Branch sa pangunguna naman ni PCI Rafael Cabonitalla.


Nakumpiska sa mga nahuli ang isang set ng Drop Ball Apparatus at perang mahigit tatlumpu’t apat na libong pisong ginamit sa iligal na laro.

Nasa kustodiya na ng PNP Santiago City ang mga nahuli na mahaharap sa kaukulang kaso.

Facebook Comments