Siyam na kataong lumabag sa Philippine Mining Act, arestado sa Camarines Norte

Camarines Norte, Philippines – Hawak na ngayon ng Philippine National Police sa lalawigan ng Camarines Norte ang siyam na katao.

Ito’y matapos magpalabas ng warrant of arrest si Judge Roberto E. Escaro ng RTC branch 38 ng lalawigan ng Camarines Norte sa paglabag sa section 102 ng republic act 7942.

Ang mga ito ay mayroong mga warrant of arrest mula sa nabanggit na hukom.


Pagtapos ng pag-aresto ay pormal nang ituturn-over bukas sa court of origin at agad ding ituturn-over naman ito sa Bureau of Jail Management and Penology.

DZXL558, Leo Barcellano

Facebook Comments