Nasa siyam na local government units (LGU) sa bansa ang tinukoy bilang COVID-19 high-risk areas ng OCTA Research Group.
Ito ay bunsod ng mataas na case load, attack rate, at hospitalization occupancy.
Ang siyam na LGU ay ang sumusunod:
1. Makati City (NCR)
2. Malabon City (NCR)
3. Baguio City (Luzon)
4. Itogon, Benguet (Luzon)
5. Tuba, Benguet (Luzon)
6. Lucena, Quezon (Luzon)
7. Iloilo City (Visayas)
8. Catarman, Northern Samar (Visayas)
9. Pagadian, Zamboanga del Sur (Mindanao)
Ayon sa OCTA Research Group, nakakaranas ang mga nasabing lugar ng bigat sa kanilang health care system.
Pinayuhan nila ang mga apektadong LGU na palakasin ang testing, contact tracing, at isolation efforts para mapigilan ang pagkalat ng virus sa mga komunidad.
Pinaiigting din sa mga LGU ang pagbabantay at pagpapatupad ng minimum health standards.
Kaugnay nito, napansin din nila ang bumababang bilang ng COVID-19 cases sa Metro Manila kasabay ng pagpapatuloy ng Philippine Red Cross (PRC) ng testing operations nito.