SIYAM NA LUGAR SA PANGASINAN, MAKAKARANAS NG POWER INTERRUPTION NGAYONG SABADO

Makakaranas ng power interruption ang ilang mga lugar sa Pangasinan sa darating na araw ng Sabado, June 7, 2025.
Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ito ay halos labindalawang oras, mula 6:15AM hanggang 6:00PM.
Ang mga maaapektuhang lugar sa Urdaneta City ay Brgy. Anonas, Cabaruan, Camantiles, Catablan, Cayambanan, part of Dilan-Paurido, Labit West, Labit Proper, Mabanogbog, Nancalobasaan, Nancamaliran East, Nancamaliran West, Oltama, Pinmaludpod, part of Poblacion, San Jose, San Vicente, Sugcong at Tulong.
Sa bayan naman ng Asingan, apektado ang mga Brgys. Bobonan, Calepaan, Coldit, Palaris, Sobol and Toboy at sa bayan ng Villasis ay ang Brgy. La Paz, at sa Manaoag, tanging Brgy. Inamotan lamang.
Apektado naman ang buong bayan ng San Manuel maliban sa Brgy. San Juan at San Vicente (Sitios An-anonas, Bato and Pao).
Buong munisipalidad ng Binalonan, Laoac, Mapandan at Pozorrubio ang maapektuhan din ng naturang interruption.
Kasunod ito ng pagsasagawa ng planned maintenance at testing ng 300 MVA Power Transformer 2. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments