Siyam na mga karatig lalawigan sa Metro Manila, apektado rin bagyong Gorio

Manila, Philippines – Siyam na lalawigan ang nakaraanas ng pabugso-bugsong ulan dulot ng bagyong Gorio.

Ito ay batay sa huling monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, ang mga lugar na ito ay ang Quezon, Batangas, Laguna, Tarlac, Nueva Ecija,Pampanga, Bataan at Zambales.


Sa kabila naman nang nararanasang pagbugso bugsong ulan walang namonitor ang NDRRMC na nagkaroon ng landslide at flashflood sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong gorio.

Wala rin aniya silang naitalang mga residenteng nagsilikas o naapektuhan ng bagyong Gorio.

Sa ngayon patuloy na nakamonitor ang NDRRMC sa weather condition sa mga lugar na apektado ng bagyo.

Pero bago ito, nakipag- ugnayan na sila sa mga Local Disaster Risk Reduction Management Council o para makagawa ng precautionary measures kung kinakailangan.

Facebook Comments