Siyam na narco-generals na tinukoy ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA, matagal ng sibak sa serbisyo – DILG

Wala na sa serbisyo mula pa noong 2016 ang anim na police generals na tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) na sangkot sa illegal drug trade.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, matagal nang inaksyunan ang patungkol sa narco-generals, at naimbestigahan na sila sa kanilang pagkaka-ugnay sa ilegal na droga.

Aniya, ilan sa kanila ay nahaharap sa kasong kriminal sa korte.


Tumanggi na ang kalimin na pangalanan ang mga nasabing heneral.

Nahaharap din sa kasong administratibo at kriminal ang mga local government officials dahil sa kanilang pagkakasangkot sa iba’t ibang illegal drug activities.

Ang Office of the Ombudsman at Department of Justice (DOJ) ay naglunsad ng imbestigasyon patungkol sa rebelasyon ni Pangulong Duterte na isang police colonel ang ilegal na nag-aangkat ng Russian-made AK-47 automatic rifles sa bansa.

Facebook Comments