Siyam na organisasyon at siyam na indibiduwal, blacklisted sa pagpasok sa Arab countries

World – Siyam na organisasyon at siyam na indibiduwal ang blacklisted sa pagpasok sa Arab countries dahil sa direktang pakikipag-ugnayan sa Qatar.

Ayon sa Saudi Press Agency (SPA) – ang mga na-blacklist ay mula sa mga bansang Libya, Yemen, Qatar at Kuwait.

Sangkot umano ang mga ito sa pagpo-pondo para suportahan ang mga jihadists at iba pang militia groups sa Syria at sa Grupong Al Qaeda.


Hunyo nang pinutol ng Saudi Arabia, Egypt, United Arab Emirates at Bahrain ang kanilang diplomatic ties sa Qatar dahil sa umanoy pagsuporta sa mga terorista.

Facebook Comments