Siyam na ospital sa NCR, nasa critical level na

Nasa kritikal level na rin ang bed occupancy rate ng siyam pang ospital sa timog bahagi ng National Capital Region (NCR).

Kabilang rito ang E. Zarate Hospital sa Las Piñas; Makati Medical Center, Ospital ng Makati, Ospital ng Muntinlupa, Research Institute of Tropical Medicine (RITM), Unihealth Parañaque Hospital and Medical Center, San de Dios Hospital sa Pasay, Allied Care Experts Medical Center sa Pateros at Taguig-Pateros District Hospital.

Maliban dito, pitong ospital pa ang nasa high-risk, anim ang moderate at 19 ang nasa safe occupancy rate.


Base sa pamamtayan ng Department of Health (DOH), may apat na level ang COVID-19 bed occupancy rate at ito ay mga mga sumusunod:

 Critical level kung mataas na sa 85% ang COVID-19 bed occupied
 High risk kung 70% hanggang 85% ang okupado na
 Moderate level kung 60% hanggang 70% COVID-19 bed na ang okupado
 Safe rate nkung mababa sa 60% ang occupancy rate

Ang mga lungsod ng kabilang sa timog bahagi ng ng NCR ay ang Makati, Las Piñas, Parañaque, Muntinlupa, Pateros at Taguig.

Facebook Comments