Siyam na Pilipino, hinatulan ng kamatayan sa Malaysia

Manila, Philippines – Hinatulan ng parusang kamatayan ang siyam na pilipinong kasama sa pag-aaklas sa Sabah, Malaysia noong 2013.

Ayon kay Court of Appeals Judge Mohd Zawawi Salleh, chairman ng three man panel – ibinasura nila ang apela ng kampo ng mga nasabing Pilipino.

Nakilala ang mga ito na sina:


Julham Rashid
Virgilio Nemar Patulada
Salib Akhmad Emali
Tani Lahad Dahi
Basad Manuel (anak ni Sultan Sulu Jamalul Kiram)
Datu Amirbahar Hushin Kiram
Atik Hussin Abu Bakar
Al Wazir Osman
Ismail Yasin

Naghain naman ng apela ang prosekysyon para maisalba ang mga nasabing pinoy.

Nabatid na siyam na miyembro ng Malaysian Security Forces ang nasawi sa nasabing pag-aaklas sa pagitan ng February 12 hanggang April 10, 2013.
DZXL558

Facebook Comments