Siyam na puganteng Japanese nationals, pinadeport ng Bureau of Immigration

Pinabalik na sa kanilang bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang siyam na Japanese nationals na naaresto dahil sa telecommunications fraud.

Kinilala ang mga Hapones na sina Irie Dai, Ishii Kyogo, Hamaoka Kantaro, Maeyama Takuto, Tanaka Kazuya, Yoshida Takeshi, Murata Seiichi, Kouki Shouji at Imizumi Ryo.

Sinasabing nakapangulimbat ang mga suspek ng mahigit ¥2 billion yen, katumbas ng mahigit $18 million o mahigit ₱900 million.


Ayon sa BI, kailangan nang umalis sa bansa ng mga suspek dahil nagdudulot ng panganib sa publiko ang pananatili nila sa Pilipinas.

Una nang naaktuhan ang mga suspek na nag-o-operate ng ilang work stations na ginagamit para magsagawa ng voice phishing operations.

Ayon sa mga otoridad sa Japan, ang mga nahuling suspek ay miyembro ng organized crime group na sangkot sa voice phishing at telecom fraud.

 

Facebook Comments