Siyam na pulis na sangkot sa Jolo, Sulu shooting noong Hunyo, sinampahan na ng kaso ng PNP-IAS

Sinampahan na ng kasong administratibo at kriminal ng Philippine National Police Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang siyam na pulis na sangkot sa Jolo, Sulu shooting noong Hunyo.

Ayon kay PNP Chief Police General Camilo Pancratius Cascolan, kabilang sa siyam ang anim na miyembro ng Jolo Police at tatlo mula sa Sulu Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) na nasa istriktong kustodiya na sa Camp Crame.

Maliban sa siyam, sasampahan din ng kasong gross neglect of duty ang tatlong superior ng mga ito na sina Police Lieutenant Colonel Michael Bawayan Jr., Director ng Sulu Provincial Police Office; Police Major Walter Annayo, Jolo Police Chief; at si Police Captain Ariel Corcino, Chief ng Provincial Drug Enforcement Unit


Una nang nagsampa ang National Bureau of Investigation (NBI) ng four counts ng murder at planting of evidence kalakip ang rekomendasyong neglect of duty laban sa tatlong local police officers.

Facebook Comments