
Naihalal na ang siyam sa 12 senador na bubuo sa Commission on Appointments (CA).
Kabilang sa mga nahalal na kasapi ng CA ang mga sumusunod na senador;
1. Sen Bato dela Rosa
2. Sen JV Ejercito
3. Sen Jinggoy Estrada
4. Sen Bong Go
5. Sen Rodante Marcoleta
6. Sen Imee Marcos
7. Sen Raffy Tulfo
8. Sen Joel Villanueva
9. Sen Mark Villar
Bago naman makapaghalal ay nagtalo tungkol dito sina Senate Majority Leader Joel Villanueva at Senate Minority Leader Tito Sotto III matapos na sabihin ni Villanueva na pupunan ng majority bloc senators ang 80 percent ng Senate contingent sa CA o sampung senador mula sa mayorya habang 20 percent o dalawang senador lang mula sa minorya.
Pumalag si Sotto dito dahil batay aniya sa Konstitusyon at sa Supreme Court ruling, ang CA membership ay batay sa membership o affiliation ng mga senador sa political parties at organizations.
Nalutas din ito nang mag-caucus ang mga senador matapos na bawiin ni Senator Alan Peter Cayetano ang kanyang nominasyon sa CA.
Ginawa ito ni Cayetano para magkaroon ng magkakaibang representasyon sa CA na may kapangyarihang magkumpirma o tumanggi sa mga itinatalaga ng Presidente.









