Siyam na storage hubs para sa COVID-19, sinisilip na ng pamahalaan – DOH

Magkakaroon ng siyam na cold storage facilities ang Pilipinas para sa COVID-19 vaccines.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa anim na storage hubs ang ilalagay sa Metro Manila habang natitirang tatlo ay sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sinabi ni Vergeire, ang Metro Manila ang central hub ng lahat ng COVID-19 vaccines.


Pero nilinaw ng DOH official na magkakaroon din ng vaccine storage facilities sa mga strategic locations ng bansa.

Kabilang sa kanilang sinisilip ay ang Bicol, Cebu at Zamboanga.

Gayumpaman, hindi pa masabi ng DOH kung ang mga nasabing cold storage hubs ay mayroong ultra low freezer storage, na kailangan ng COVID-19 vaccines na gawa ng Pfizer-BioNTech at Moderna.

Una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na magiging available sa bansa ang COVID vaccines sa Marso o Abril ng susunod na taon.

Facebook Comments