Pinangalanan na ng Sri Lankan Authority ang siyam na suspek na nasa likod ng pagpapasabog sa mga simbahan at hotels noong Easter Sunday na ikinamatay ng 253 indibiduwal.
Kabilang sa kinumpirma ni Police Spokesman ruwan gunasekera ang dalawang magkapatid mula sa isang mayamang colombo family ang nasa likod ng pagbomba sa dalawang Luxury Hotel.
Ito ay sina ilham Ahmed Mohameed Ibrahim at Inshaf Ahmed habang binomba naman ni Zahran Hashim, lider ng Jihadist Group na national Thowheeth Jama’ath ang Shangri-la Hotel.
Matapos ang pagbomba sa mga hotel, si Fathima Ilham, asawa ng isa sa magkapatid na Ilham ay pinasabog ang kanyang sarili na ikinasawi rin ng kanyang dalawang anak at tatlong pulis sa isang bahay sa Colombo.
Ang mga suspek ay natuklasang nagpopondo sa ISIS.