Siyam na Tulak ng Droga kabilang ang Isang HVT, Natimbog sa Buy Bust!

Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City- Arestado ang siyam na tulak ng droga kabilang ang isang High Value Target o HVT at menor de edad sa isinagawang Drug Buy Bust Operation ng Kapulisan dito sa Rehiyon dos.

Ang mga nadakip ay kinilalang sina Joel Vicarme, 40 anyos, may-asawa, helper at residente ng P-4 Bugallon Norte, Ramon, Isabela, Joel Teppang, 26 anyos, construction worker, residente ng Centro-1, Angadanan, Isabela, John Kelvin Timbreza, 18 anyos, studyante, residente ng Brgy. Annafunan, Echague, Isabela, Romulus Castillo, 53 anyos, may asawa, tricycle driver at residente Brgy. San Antonio, Aparri.

Kabilang rin sa mga nadakip ay sina Raymundo Paracad, 58 anyos, may asawa, Brgy. Kagawad (HVT) at residente of Brgy. Alabug, Tuao, Cagayan, Raffy Domingo, 39 anyos, residente ng Brgy. Macanaya, Aparri, Cagayan, Marcelo Tabigne, 53 anyos, residente ng Brgy. Centro East, Ballesteros, Cagayan, Charles Cachero, 31 anyos, tricycle driver, residente ng Brgy. Pata East, Claveria, Cagayan at isa pang menor de edad na itinago sa pangalang “Jun-jun”.


Nasa kustodiya na ng mga kapulisan ang mga suspek na mahaharap sa kani-kanilang kaukulang kaso.

Facebook Comments