Patuloy ang ginagawang recovery operation ng Philippine Coast Guard (PCG) upang mapigilan ang pagkalat ng tumagas na langis mula sa lumubog na MT Terra Nova sa bahagi ng Manila Bay.
Tumutulong na rin ang PCG Auxiliary upang makontrol ang oil spill na sinasabing umaabot na sa baybayin ng Hagonoy, Bulacan.
Ayon sa Coast Guard, tuloy ang paggawa ng oil spill boom na mula sa mga coconut husk o niyog na nakakasipsip sa langis sa karagatan.
Sa pinakahuling sinabi ni PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, siyam na valve ang pinagmumulan ng leak o pagtagas ng langis.
Mamayang hapon ay magbibigay ng karagdagang detalye ang PCG kaugnay sa insidente.
Nasa 1.4 million litro ng langis ang karga ng oil tanker na lumubog noong nakaraang linggo sa bahagi ng Limay, Bataan.