Nakabalik na ng bansa ang siyam pang Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Lebanon sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa Gitnang Silangan.
Ito ang binigyang diin ng Department of Migrant Workers (DMW) makaraang dumating sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 3 sakay ng Qatar Airways noong Miyerkules ng gabi ang mga Pilipino Workers.
Ayon kay Migrant Workers Officer-In-Charge (OIC) Hans Leo Cacdac, labing siyam mula sa 112 na OFW’s na nais umuwi ng Pilipinas ang na-reptriate na mula sa Lebanon kung saan may nakalaan tulong ang departamento para sa mga umuwing Pilipino.
Matatandaang isinailalim ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Lebanon sa Alert Level 3 noong October 21 dahil sa patuloy na paglala ng sitwasyon sa pagitan ng Israel at Iran-Backed Islamist Group Hezbollah na nangangahulugan ng Voluntary Repatriation sa mga Pinoy.