Siyam, patay; anim, arestado sa serye ng raid laban sa makakaliwang grupo sa CALABARZON

Patay sa ikinasang serye ng raid ng militar at pulisya ang siyam na katao habang arestado ang anim sa kanila na nauugnay sa mga rebeldeng komunista sa Cavite, Laguna, Rizal at Batangas.

Sa ilalim ng COPLAN ASVAL, target ng operasyon ang mga sinasabing Communist Terrorist Group personalities sa Region 4A gamit ang search warrants na inisyu ng dalawang hukom.

Aabot sa 24 na search warrants ang ipinatupad.


Ang mga nasagawa ng operasyon ay mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), at Special Action Forces at ng 202nd Brigade ng Philippine Army.

Mula sa siyam na namatay – anim dito ay sa Rizal, dalawa sa Batangas at isa sa Cavite.

Ang anim na naaresto ay mula sa Rizal at Laguna.

Sa statement, kinumpirma ng human rights group na Karapatan na kabilang sa mga namatay ay si Mary Asuncion, coordinator ng Cavite chapter ng Bagong Alyansang Makabayan; Ariel Evangelista at Chai Lemita-Evangelista, mga lider ng isang fisherfolk group.

Si Asuncion ay pinatay sa loob ng opisina ng Workers’ Assistance Center sa Dasmariñas, habang ang mag-asawang Evangelista ay napatay sa loob ng kanilang bahay sa Nasugbu, Batangas.

Sina Melvin Dasigao at Mark Lee Coros Bacasno ng urban poor group na Sikkad Montalban ay pinatay sa Rizal.

Ayon kay Karapatan Secretary General Tina Palabay, ang mga ginawang raids ng mga awtoridad ay maituturing na tokhang-style.

Pawang mga kasingunalingan at maruming tactics ang ginagawa ng awtoridad, mula sa bogus na search warrants, “nanlaban”, “tanim ebidensya” para ipalabas na tuna yang pag-aresto at pagpatay.

Facebook Comments