Manila, Philippines – Siyam na ang naitalang patay saengkwentro sa pagitan ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya laban samga hinihilang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Inabanga, Bohol, kahapon.
Kinabibilangan ito ng limang bandido, tatlong sundalokabilang ang isang opisyal at isang pulis.
Ayon kay AFP Chief-of-Staff Gen. Eduardo Año – posiblengmga miyembro ng ASG na mula pa sa Sulu ang mga nakasagupa ng tropa ng gobyerno.
Aniya, bago ang engkwentro ay naka-alerto na ang AFP sa Visayasdahil sa mga intelligence report kaugnay sa planong panggugulo ng ASG peromalaking tulong ang ginawang pagsusumbong ng mga residente sa lugar kayanaunahan nila ang mga bandido.
Samantala, ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, inaalampa nila kung may hostage ang bandidong grupo.
Nasa 600 pamilya naman ang inilikas sa lugar kasunod ngbakbakan.
Sa kabila nito, tiniyak ng militar na secured ang ibapang bahagi ng Bohol partikular ang mga tourist spot malapit sa Tagbilaran atsa isla ng Panglao.
Siyam, patay sa bakbakan ng pinagsanib pwersa ng AFP at PNP kontra Abu Sayaff Group
Facebook Comments