Siyam sa bawat 10 Pilipino, nangangambang madapuan ng COVID-19 – Pulse Asia

Mayorya ng mga Pilipino ang nangangambang tamaan sila ng COVID-19.

Batay sa survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Pebrero 22 hanggang March 3 sa may 2,400 adult respondents, 94 percent ang labis na nag-aalala tamaan sila o ang miyembro ng kanilang pamilya ng COVID-19.

Nasa 3 percent naman ang nagsabing hindi nag-aalalang tamaan sila ng virus.


Lumabas din sa survey na 61 percent ang nagsabing ayaw magpabakuna ng COVID-19 vaccine; 23 percent ang hindi pa sigurado; at 16 percent ang nagsabing magpapabakuna sila.

63 percent naman ang nagsabing wala silang tiwala sa bakuna na galing sa China.

Habang 44 percent ang mas gusto pa rin ang bakunang ginawa sa Amerika.

Facebook Comments