Matagumpay na sumailalim sa isinagawang pagsasanay ang mga bagong Barangay Health Workers (BHW) na nagmula pa sa ikatlo at ikaapat na distrito ng probinsya ng Pangasinan.
Partikular na nagmula ang bagong mga BHWs na ito sa mga bayan ng Mangaldan, Calasiao, Mapandan, San Jacinto, Sta. Barbara at bayan ng San Fabian.
Ang pagsasanay ay pinangunahan ng Provincial Health Office sa pangunguna ni BHW Program Manager Donnie Bautista kung saan kanyang tinalakay ang ukol sa mga Roles and Functions of BHW, RA 7883 o BHW Law, Universal Health Care (UHC), Mental Health, Blood Program, Communicable and Non-Communicable Diseases, Importance of Family Planning, Responsible Parenthood & Birth Plan, Importance & Schedule of Immunization, at Nutrition Program.
Ang naturang aktibidad ay isinagawa nito lamang ika-27 ng Hunyo nagtapos kahapon ika-28 ng Hunyo sa Municipal Hall ng Brgy. Poblacion Covered Court sa bayan ng Mangaldan.
Hinikayat naman ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan ang mga nagsipagdalong BHWs na tangkilin ang produkto ng bayan gaya na lamang ng pindang at may layuning mai-promote ang kanilang one town one product. |ifmnews
Facebook Comments