Siyan na katao, sugatan sa karambola ng apat na sasakyan sa national highway sa Pangasinan

38

Manila, Philippines – Sugatan ang siyam na katao kabilangang limang menor de edad na magkakapatid sa karambola ng apat na sasakyan sanational highway sa brgy. Cayanga sa bayan ng San Fabian, Pangasinan.
Sa inisyal na imbestigasyonn, aksidenteng nawalan ngkontrol sa minamanehong kotse si Joseph Cleo Castro at nabangga nito ang isangtricycle na sakay ang limang menor de edad na minamaneho naman ng isang GeorgeCastro.
Kinilala ang magkakapatid sina Hana, Daniel, Maria,Mariel at Antoniette Estayo na pawang mga residente ng bayan ng mangaldan.
Dahil dito, nasagi ng sinasakyan nilang tricycle angdalawa pang kasunod na sasakyan na dahilan para magtamo ang mga ito ng sugat atgasgas sakanilang katawan.
Maging ang driver ng iba pang nasangkot na sasakyan ay nagtamorin ng sugat sa ibat ibang bahagi ng kanilang katawan.

Facebook Comments