Sa naging panayam ng 98.5 IFM Cauayan kay Ginoong Paul Bacungan, Information Officer ng Lungsod ng Ilagan, tinatayang nasa 3,758 na pamilya mula sa 25 barangay sa Lungsod ang apektado ng pagbaha.
Habang nasa 3,784 families naman ang isolated mula sa sampung (10) barangay sa Lungsod.
Aniya, nagsagawa ng meeting ang City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) sa pangunguna ni Mayor Jay Diaz, katuwang ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod, upang talakayin ang sitwasyon ng nasabing siyudad at kalaunan’y idineklara na sa State of Calamity ang City of Ilagan.
Kaugnay nito, nakahanda na ang 25 evacuation center sa nasabing siyudad para sa 13,114 na indibidwal na nasalanta ng pagbaha.
Sa kasalukuyan, nasa 802 na pamilya pa lamang ang lumikas sa mga nabanggit na evacuation center.
Patuloy rin ang pamamahagi ng mga pagkain at iba pang tulong ang lokal na pamahalaan ng Ilagan sa mga pamilyang lumikas.