SK, binigyan ng dagdag na benepisyo sang-ayon sa RA 11768

Pinalakas ng pamahalaan ang Sangguniang Kabataan (SK) upang mapasigla ang kanilang partisipasyon sa local governance.

Ito ay base sa nilagdaang Republic Act 11768 ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan paglalaanan din ng pondo ang SK para sa honorarium ng kanilang mga opisyal habang may iba pang mga benepisyo at prebelehiyo rin para sa mga ito.

Ayon sa batas ang SK Chairperson ay bibigyan ng parehong prebelihiyong tinatanggap ng iba pang sangguniang barangay officials.


Tatanggap din ang SK members, treasurers, at secretary ng honorarium kada buwan na huhugutin sa Sangguninang Kabataan funds at hindi sosobra sa buwanang kompensasyon na tinatanggap ng kanilang chairperson.

Pwede ring magbigay ng dagdag na honorarium ang lokal na pamahalaan gayundin ng social welfare contributions at hazard pay sa SK chairperson at elected at appointed members sa pamamgitan ng kanilang sariling local ordinance at subject sa post audit jurisdiction ng COA.

Samantala, kabilang sa prebelihiyo ng lahat ng mga opisyal ng SK ay ang pagiging exempted nila sa pagkuha ng National Service Training Program.

Pwede rin silang lumiban sa klase kung sila ay dadalo sa regular or special SK meetings, at Sangguninang Kabataan sessions.

Facebook Comments