Friday, January 23, 2026

SK chairman ng Pasay at 8 iba pang suspek sa robbery hold-up incident sa apat na biktima, kabilang na ang isang malaysian business-vlogger, patuloy na tinutugis ng pulisya

Nagpapatuloy ang manhunt operation ng Pasay Police sa isang SK chairman at walong iba pang sangkot sa robbery hold-up sa isang Malaysian business-vlogger at tatlong iba pa.

Nangyari ang sinasabing robbery incident nitong January 21, 2026, sa BAC1-11 Street corner Andrews Avenue, Barangay 190, Pasay City.

Kinala naman ang mga biktima na sina:

1. Gemel Tiing Hock Wang, Malaysian, 24 yo, businessman-vlogger, at nakatira sa residing at No. 45-2 Baes St., San Gregorio Village, Pasay City;

2. Hero Sumat y Oruno, Filipino, 24 yo, businessman, nakatira sa No. 45-3 San Gregorio Village, Pasay City;

3. Jerwin Arandila y Eugenio, Filipino, 34 yo, driver, nakatira sa Purok Uno, Sampaguita St., Pila, Laguna; at

4. Led Chua, Filipino, 24 yo, businessman, nakatira sa No. 662 Dimasalang Interior St., Pasay City.

Ayon sa Pasay Police, apat sa mga armadong suspek ang sakay ng lulan ng sasakyan na may plakabf NJJ 2489, at tinangay ng mga ito ang 5.7-million cash at assorted gold jewelry ng mga biktima na nagkakahalaga ng Php 1,000,000.

Sa operasyon ng mga awtoridad, narekober ang sasakyan ng isa sa mga biktima pero bigo silang mabawi ang cash at alahas ng mga biktima.

Naaresto rin ang isa sa mga suspek na si John Raymart Hilario at itinuro nito ang kanyang mga kasabwat kabilang na ang SK Chairman na si Andrea Malinis.

Si Malinis ay sinasabing live-in partner ng isa pang suspek na si Edmund De la Cruz.

Si Dela Cruz ay sinasabing kapatid naman ng isa pang suspek na si Bianca De La Cruz.

Si John Raymart Hilario ay nakatakdang kasuhan ng Illegal Possession of Explosives at Robbery .

Facebook Comments