SK Chairman, Timbog sa Pagbebenta ng Iligal na Droga

Cauayan City, Isabela- Arestado ang Sangguniang Kabataan (SK) Chairman matapos umanong bentahan ng pinatuyong dahon ng Marijuana ang isang operatiba sa ikinasang drug buy-bust operation pasado 8:35 kaninang umaga sa Brgy. Saranay, Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Joren Palomeno, 24-anyos, binata at residente ng Brgy. Centro, Cabatuan, Isabela.

Base sa report ng PNP Cabatuan, naaktuhang nabentahan nito ng isang (1) pakete na naglalaman ng pinatuyong dahon ng Marijuana ang isang poseur buyer kapalit ang P500 na buy-bust money.


Nakumpiska sa pag-iingat ni Palomeno ang dalawang (2) pakete pa ng dahon ng Marijuana at isang cellphone.

Nabatid na kabilang sa listahan ng high value target (HVT) ang suspek.

Nahaharap si Palomeno sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na nasa kustodiya ngayon ng mga otoridad.

Facebook Comments