SK CHAIRPERSONS MULA SA BAYAN NG MANGALDAN, NAKATANGGAP NG SAMPUNG LIBONG CLEAN AND GREEN FUND

Nakatanggap ng sampung libong piso ang mga SK Chairpersons na maging pondo nila para Clean and Green project sa kanilang mga barangay, nitong biyernes, Enero 12.
Ang pondo ay ipinamamahagi ng alkalde ng bayan na si Mayor bona Fe De Vera – Parayno sa halos kumpletong bilang ng mga SK Chairperson sa kanilang munisipalidad.
Samantala, inabisuhan ng alkalde ang mga chairpersons na ito ay ilalaan sa mga programa at proyektong isinusulong nila kaugnay ang pagpapanatili ng kalinisan gayundin ang pangangalaga sa kanilang mga nasasakupan.

Inaasahan ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan na magiging aktibo ang mga ito sa kampanya para sa kalikasan lalo na’t nakikita nila diumano ang mga ito na pangunahing katuwang para sa ikabubuti ng kanilang bayan. |ifmnews
Facebook Comments