SK ELECTIONS | 20.6 million na kabataan, inaasahan ng COMELEC na makibahagi sa eleksyon ngayong Mayo

Manila, Philippines – Sa pagtataya ng Commission on Elections (COMELEC), nasa 20.6 million ang mga kabataang, nasa edad 15 hanggang 24 na taong gulang ang nakarehistro sa kanilang tanggapan para sa darating na local election ngayong Mayo.

Ibig sabihin, halos kalahati ng mga registered voters sa buong bansa ay millennial. Ito ayon kay COMELEC Spokesperson Dir. James Jimenez, ay isa sa mga dahilan kung bakit manual election ang isasagawa sa Mayo.

Aniya, bukod kasi sa kulang sa kasanayan ang mga first time voters, praktikal rin ang manual election dahil kulang na sa oras at mahabang proseso pa, kung ang paraan na gagamitin ay automated election.


Panawagan ngayon ni Jimenez sa mga kabataan na kuwalipikado sa pagboto, ay maging aktibo sa darating na halalan. Sa halip aniya na puro pagma-mall ang atupagin, makibahagi sa mga kaganapan sa kanilang barangay.

Facebook Comments