SK FED. PRESIDENT NG CORDON, NAKABUROL NA

CAUAYAN CITY- Pinaglalamayan na ngayon ang mga labi ni Sangguniang Kabataan President Benjamin Tolentino.

Matatandaang nasangkot sa aksidente ang sinasakyan nitong Van sa skyway na sakop ng Pasay City na naging sanhi ng kanyang pagkasawi at ng driver nito.

Sa imbestigasyon, lumalabas na sumalpok ang Van sa sementadong poste at pader.


Sa lala ng insidente at lakas ng pagkakasalpok, naputulan pa umano ng ulo ang driver na si Eddie Trinidad na sanhi ng agarang pagkamatay nito.

Samantala, nagtamo naman ng sugat sina Vice Mayor Abegail Sable at tatlo (3) nitong staff na kasalukuyan nang nagpapagaling.

Facebook Comments