SK Federation ng Cauayan City, Ikinalungkot ang pagkahuli sa isang SK Kagawad

Cauayan City, Isabela- Bibisitahin ng tanggapan ng SK Federation at Anti-Illegal Drug Council ng Lungsod ng Cauayan ang mga barangay para matiyak na hindi magkakaroon ng iligal na aktibidad.

Ito ay matapos mahuli ang isang Sangguniang Kabataan Member ng Barangay Minante 2 na sangkot umano sa iligal na bentahan ng droga.

Ayon kay SK Federation President Charlene Quintos, ikinagulat din niya ang pagkakahuli ng isa nilang miyembro at maituturing din aniya na isolated case lalo pa’t mahigpit ang kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.


Aniya, inakala ni Quintos na ang nahuling suspek ay sumasailalim sa pagnenegosyo matapos mapabilang sa mga drug surrenderee taong 2017.

Ayon naman kay PCAPT. Esem Galiza ng PNP Cauayan City, nagkaroon ng test buy ang mga operatiba hanggang sa nagresulta ng pagkakadakip sa suspek.

Nabatid na nakaproseso na ang Barangay Minante 2 sa posibleng pagdedeklara bilang ‘drug cleared’ barangay.

Facebook Comments