SK ng Labinab at NGOs, Nagbigay ngiti sa Pamilya ng mga PDL ng Cauayan District Jail

*Cauayan City, Isabela- *Nakiisa ang Sangguniang Kabataan mula sa Barangay Labinab sa Lungsod ng Cauayan sa pagdiriwang ng Children’s Month na inorganisa sa Cauayan District Jail na pawang mga anak ng Persons Deprive of Liberty ang kanilang binigyan ng ngiti sa kabila ng kalagayan ng kanilang mga mahal sa buhay.

Ayon kay SK Chairman Jayson Purificacion, pangalawang taon na ito ng magsimula ang kanyang grupo katuwang ang ilang Non-Government Organization gaya ng RAM GUARDIANS ALAKDAN- Cauayan Chapter sa pagbibigay ng ngiti lalo ngayong papalapit ang kapaskuhan.

Dagdag pa nito na hindi magiging makabuluhan ang nasabing aktibidad kung walang pagtutulungan ng bawat isa kaya’t laking pasasalamat nito sa lahat ng naging bahagi ng pagdiriwang.


Inaasahan naman na magpapatuloy taun-taon ang ganitong aktibidad na layong iparamdam ang kahalagahan ng bawat isa na sa kabila ng kanilang estado sa buhay ay may ngiting naghihintay para sa mga ito.

Sa huli, bakas sa mga bata ang ngiti na kanilang naramdaman kasama ang kanilang mga mahal sa buhay sa likod ng mga rehas.

Facebook Comments