SK Officials at Pamilya Albano sa Santiago City, Namahagi ng Tulong sa mga TODA!

Cauayan City, Isabela- Nagtulong-tulong ang mga miyembro ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Buenavista at kilalang pamilyang Albano upang mamahagi ng ilang pangunahing pangangailangan sa mga grupo ng tricycle drivers sa lungsod.

Ayon kay SK Chairman April Jhon Eslabra, personal na nakipag-ugnayan ang pamilya albano sa kanila upang maging katuwang sa paghahatid ng mga relief goods na kanila namang tinugunan para sa mas mabilis na pagbibigay serbisyo sa mga nangangailangan.

Una rito, nagsagawa ng pagrerepack sa mismong tahanan ng nasabing pamilya kasama ang iba pang youth volunteers.


Batid ni Eslabra na sa simpleng paraan ng pagtugon ay may hatid itong maganda para sa mga pamilyang higit na apektado bunsod ng nararanasang krisis dahil sa coronavirus o COVID-19.

Ayon naman sa pamilya Albano, sa sitwasyong higit na kailangan ng maraming tao ang tulong ay hindi alintana ang kanilang pagod at perang nagastos dahil higit na kailangan ng pamilya ang pagdadamayan laban sa banta ng nakamamatay na sakit.

Nag-ambag ambag ang miyembro ng pamilya albano para mabuo ang mga ipapamahaging tulong sa mga tricycle drivers at pamilyang walang mapagkukunan para sa kanilang pang-araw araw.

Facebook Comments