Cauayan City, Isabela – Malaki ang paniniwala at tiwala ni Senator JV Ejercito na magtatagal ang SK Reform Law dahil sa magkakaroon na ng representante ang Sangguniang Kabataan sa pamahalaan.
Ito ay matapos balak buwagin ng kongreso ang SK dahil sa umanoy breeding ground ng corrupt politicians gamit ang kabataan.
Sa layuning hindi mabuwag ang SK sa bansa ay nabuo ang SK Reform Law sa pamamagitan ni Senator JV Ejercito bilang principal author ng nasabing batas.
Sa naging mensahe ng Senator sa oath taking ceremony ng mga bagong opisyal ng SK dito sa Cauayan City ay ipinaliwanag niya na kinakailangan lamang umano na ireporma ang sangguniang kabatan o ayusin at hindi dapat buwagin.
Nabanggit din ni Senator Ejercito ang mga katagang sinabi ni Jose Rizal na ang “Kabataan ang Pag-asa ng Bayan” kung saan ay dinagdagan ito ng “Kabataang Isabela ay Maasahan” hindi lamang sa kanilang pamilya kundi maging sa bayan at probinsya.
Hinikayat din ng Senador ang mga kabataang opisyal na maging inspirasyon at modelo para sa ikauunlad ng bansa.