SK Seminar sa Bayan ng Luna, Hindi Sinipot ng Ilang SK Kagawad!

Luna, Isabela- Hindi sumipot ng ilang mga nanalong Barangay Kagawad sa isinasagawang SK Training Seminar ng Bayan ng Luna, Isabela dahil nagbakasyon na umano ang mga ito.

Ito ang inihayag sa RMN Cauayan ni Hon. Jaime Atayde, ang Mayor ng bayan ng Luna at aniya, ang naturang Pagsasanay ay mandatory para sa mga SK Officials kaya’t ang mga hindi sumipot at nagbakasyon na mga opisyal ay tatanggalin na sa kanilang pwesto.

Aniya, Kakaiba umano ang mga nanalong SK Officials ngayon kumpara sa mga menor de edad na mga SK Officials noon at alam din umano nila ang bawat sitwasyon ng kanilang barangay kung saan ay kaya umano nila itong resolbahin.


Ayon pa kay Mayor Atayde, Nanumpa na sa kanilang Training ang mga bagong SK Officials para sa kanilang panunungkulan na mag-uumpisa na sa unang araw nitong buwan ng hunyo.

Inihayag din ni Mayor Atayde na maliit lamang umano ang kanilang Internal Revenue Allotment o IRA kaya’t mahirap rin umano kung papaano nila popondohan ang Budget ng mga Kabataan subalit nakatakda umano na sa taong 2019 ay tutulong na ang kanilang hanay na LGU upang mabigyan ng sapat na Budget ang mga Sk Officials.

Facebook Comments