Inanunsyo ng alkalde ng Dagupan City ang malapit na pagbubukas ng kauna-unahang pampublikong skate park sa lungsod, kasabay ng paanyaya para sa enrollment sa skateboarding lessons sa ginanap na flag raising ceremony kahapon, Enero 5, 2026.
Ayon sa alkalde, halos tapos na ang Phase 1 ng itinatayong skateboarding facility, na inaasahang magagamit hindi lamang para sa pagsasanay kundi pati na rin sa mga skateboarding competitions sa hinaharap.
Pinayuhan ng alkalde ang mga empleyado at interesadong mag-enroll sa skateboarding lessons na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan para sa karagdagang impormasyon.
Matatandaang bahagi ang pasilidad ng programa ng lungsod para sa sports at kabataan.
Kabilang sa plano ng Dagupan City na magtayo ng basketball court at skate pool sa tabi ng skate park bilang bahagi ng pagpapalawak ng mga pasilidad para sa pampublikong gamit.










